top of page

Jeepney Hate Story

by Padilla, Aznar, Gerodiaz

Tumigil ang jeep para magsakay ng pasahero. Makikitang tinuturuan si Lai ng mga tao kung saan sasakay.

​

Extra 1: Sakay ka sa jeep na ‘to tapos sabihin mo sa drayber na sa bago ka mag Cubao bababa.
Lai: Ito po na jeep? 
Extra 2: Oo, sakay ka na diyan. Alam na na ng drayber kung saan ka bababa.
Lai: Salamat po.

​

Sumakay si Lai sa jeep. Halata na nalilito pa rin siya nang bigla siyang kinausap ng matandang lalaki na katapat niya sa jeep.

​

Gabrielle: Saan ka pala bababa, neng? 
Lai: *hindi umimik*
Gabrielle: Kabisado ko ang mga lugar dito, sigurado akong alam ko saan ‘yan.
Lai: *hindi pa rin umiimik*
Gabrielle: Gusto mo samahan kita? *patuloy sa pangungulit*
Lai: Puwede wag mo akong pakialaman? ‘Di ko naman hinihingi tulong mo
Gabrielle: Tinuturuan ka lang naman, di mo alam kung saan bababa diba?
Lai: Di naman ako nagpatulong.

​

Tumigil na naman ang Jeep para magsakay ng pasahero. Tuloy pa rin si Lai at Gabrielle sa pag-aaway, mga sarcastic remarks sa isa’t isa, o kaya minsan nagbibingi-bingihan yung babae habang nagmmansplain yung lalaki. 

​

Biglang nagtalo na naman ‘yong lalaki’t babae pati na ang drayber tungkol sa binayad na isang daan ng pasahero. 

​

Jo: Eh kanino ba talaga yang isang daan? Saan ba yan bababa?
Gabrielle: Doon yan sa terminal ng bus
Lai: Eh hindi naman akin yang 100, hindi naman ako ang unang nagbayad ng isang daan.
Gabrielle: Mamaya ko na lang kukuhanin yung sukli ko.

Hindi ata nagustuhan nung babae yung sinabi kaya binalik niya yung sukli sa drayber.

Jo: Ano ba?! Ngayon pa ako nakakita ng pasaherong ayaw tanggapin ang sukli. Tatanggapin mo ba ‘to o hindi?!

​

May biglang sumakay naman na lalaki na dapat uupo sa tabi noong bata, kaso nagalit yung drayber. 

​

Jo: Hoy puno na! Di mo ba nakikita? Iipitin mo pa yung bata!

​

Sa wakas, nakarating na si Lai sa bababaan niya dapat.

​

Gabrielle: Neng sa kaliwa ka, tumawid ka andoon yung terminal! 
 
At hindi nakinig si Lai, sa kanan siya dumaan kaya muntik siyang namatay. 

 

Subscribe for updates here

Thanks for submitting!

  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White YouTube Icon
  • White Vimeo Icon

© 2024 by It's a Group 1 - Evanescence.

bottom of page